DRUG RECOVERY CENTER, IBINIGAY NG GLOBE SA CEBU PROVINCIAL GOV’T

NEW LIFE CENTER

SA pakikiisa sa pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot, nagbigay ang Globe Telecom ng kauna-unahang drug rehabilitation and treatment center sa lokal na pamahalaan ng Cebu.

Ang drug recovery center na tinawag na “New Life Cen­ter” ay matatagpuan sa Pinamungajan. Layunin nito na mailigtas ang mga dating biktima ng ilegal na droga, maka-recover ang mga ito at tuluyan nang malayo sa masamang bisyo at maging mga produktibong mamamayan.

Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking at naniniwala ang pamahalaan ng Cebu na ang pagsugpo sa ilegal na droga ay palaging isang shared res­ponsibility.

Turnover Ceremony
NEW Life Center turnover ceremonies. Mula kaliwa: PDEA Regional Director Wardley Getalla, Carmen Remedios Durano ng CPADAO, DILG Regional Director Leocadio Trovela, Globe Director for External Affairs-Visayas and Mindanao Patrick Gloria, Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Dino, Cebu Governor Hilario Davide III, Pinamungajan Vice Mayor Honeylette Yapha-Lingad, Globe Citizenship and Advocacy Head Miguel Martin Bermundo, Globe Citizenship and Advocacy Senior Manager Rofil Sheldon Magto.

“We are very thankful to Globe for providing us with this state-of-the-art facility that is conducive to the patients; proper healing and rehabilitation. With the continuous success of the President’s war against illegal drugs, our country needs more establishments like this to extend holistic care to patients. This way, we can help them in the recovery process and in their reintegration back to their respective communities,” ani outgoing Cebu Go­vernor Hilario Davide III.

Ayon naman kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications, “We are one with the government in nation building. By turning over this drug rehabilitation center to the Cebu provincial government, we hope to show our strong support to the administration’s efforts to rehabilitate victims of drug addiction and bring about positive changes to our society. We want to help save the lives of Filipinos and give them a chance for a better future.”

Ang gusali ng New Life Center na ipinagkaloob noong Hunyo 19 ay nakapuwesto sa 2,600 square meters na pag-aari ng Municipality of Pinamungajan sa ilalim ng hurisdiksyon ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan din ni Patrick Gloria, Globe Telecom’s Director for External Affairs of Visayas and Mindanao, at sinabi nitong nakasuporta sila sa national agenda upang matulungan ang drug abuse victims upang mapagbago ang mga ito mula sa pagi­ging adik at magkaroon ng magandang hinaharap.

Ipinaliwanag din nito na ang konstruksyon ng nasabing pasilidad na nagkakahalaga ng P50 milyon ay parte ng pagtulong ng Globe habang ang pamahalaan ng Cebu ang responsable sa superbisyon at full operations ng New Life Center.

Sa proyektong ito ay nangako rin si Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino at sinabing dadalhin niya sa center ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para makatulong din sa mga pasyente para maka-enrol at mapag-aralan ang kanilang courses.

Ang gusali ay may kabuuang floor area na 930 square meters kung saan naririto ang 106 higaan para sa mga pasyente ng Cebu at kalapit-probinsya nito na nangangailangan ng de-kalidad na gamutan.

Female Ward
Female Ward

Sa naturang rehabilitation center, may wards dito na hiwalay ang mga babae sa mga lalaki. Mayroon din ditong psychiatric ward na may 18 single rooms para sa mga may malalang kaso.

Sinisiguro ring maayos na makapagtatrabaho ang health workers dito para ma­gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Sa center ay may doctors’ office, nurse station, treatment and stabilization room, kitchen, dining room, clinic, at isang hotel-like reception area.

Ito ang kauna-unahang provincial government-supervised facility sa Cebu na kasunod lamang sa isang district hospital – ang Dr. Jose Ma. V. Borromeo Memorial District Hospital.

Ibinuhos pa ng Globe ang kanilang suporta sa pagbibigay ng Internet connectivity sa mga opisina sa center para sa maayos na pangangailangan ng health workers.

Ang naturang connectivity ay magiging daan para ma­ging active ang Virtualahan, isang Davao-based social enterprise, para ma-implement ang kanilang online modules para sa mga piling dating drug dependents.

Pychiatric Room
Pychiatric Room

Ang modules na ito ay bahagi ng commitment ng Globe at Virtualahan sa lokal na pamahalaan para lubos na maalalayan ang mga pasyente sa pamamagitan ng digital learning and upskilling.

Gayundin, ang Globe Telecom ay solido rin sa kanilang commitment na mag­hatid ng maayos, malinis at ligtas na kapaligiran at maa­yos na kalusugan sa mga tao.

Tinitiyak ng kompanya na sumusunod ito sa environmental standards para mabawasan ang carbon emissions at mapaganda ang pagkonsumo sa kuryente.

Kaya naman, magandang bagay din na ang center ay may solar panel sa bubong nito upang mabawasan ang pagkonsumo sa kuryente. Ang naturang teknolohiya ay magagamit para mapagana ang mga ilaw dito, fans, airconditioners, at lahat ng iba pang electrical appliances. Ang panels na ito ay masu­sing dinisenyo at inilagay ng SolarSolutions, isang social enterprise na nakasentro sa pagbibigay ng makabagong energy solutions na nagpoprodyus ng highly positive social, environmental, at economic value.

Ang facility ay gumagamit ng eco-pavers para sa kanilang garden floors at recreation area, gayundin ang eco-bricks para sa perimeter fences. Ang eco-bricks at pavers ay mula sa kombinasyon ng construction materials at waste plastic laminates na pinoprodyus ng isang social enterprise na Green Antz Builders, Inc.

Reception Area
Reception Area

Mayroon din itong open spaces, gardens at isang recreation room para sa indoor activities para magkaroon ng support community.

Aabot sa 50,000 drug offenders ang sumuko sa nasabing lalawigan sa huling bahagi ng 2017, ito ay 2% ng kabuuang populasyon ng Cebu na 2.94 milyon.

Mayroon itong dalawang rehabilitation facilities sa ngayon sa Argao at Mandaue City ngunit ang karagdagang drug rehabilitation facility ay karagdagang tulong pa sa Cebu.

Aktibo ang kasaluku­yang administrasyon sa kampanya para matigil ang mga isyung may kinalaman sa droga dahil na rin sa lumalaking bilang ng mga nagiging adik sa shabu, marijuana, rugby, solvent, cocaine, ecstasy, at iba pa. Noong 2016, tinata­yang nasa 3.7 milyon katao ang involved dito base sa Dangerous Drugs Board.

104

Related posts

Leave a Comment