DRUG TRADE SA LAGUNA, MASIGLA NA NAMAN SA KABILA NG ECQ?

drugs200

BUMABALIK na ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa Laguna sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa lalawigan.

Nitong araw ng Martes, isa ang napatay samantalang 14 ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakasunod na anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Laguna.

Batay sa report ng Laguna PNP, nanlaban at napatay ang  susspek na si Joel Licup sa buy-bust operation sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City, mag-aalas-3:00 ng Martes ng hapon.

Si Licup ang pangpito sa mga nasawing drug personality sa mga police operation sa Laguna sa loob ng pagpapatupad  ng ECQ.

Nito ring Martes, 3 ang naaresto sa Cabuyao, 3 sa San Pablo, 6 sa Calamba City, at tig-isa sa Sta. Cruz at Calauan.

Umabot din sa 33 sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabing 7 buy-bust operation.

Nakakulong na ang lahat ng mga nahuling suspek sa mga custodial facility ng mga police station sa mga nabanggit na bayan at lungsod. NILOU DEL CARMEN

68

Related posts

Leave a Comment