(NI BETH JULIAN)
KUNTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa lindol sa Batanes.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga naapektuhang residente.
Agad na naibalik ang suplay ng kuryente noong Linggo gayundin ang linya ng komunikasyon habang nabigyan na rin ng suplay ng inuming tubig at pagkain ang mga residente.
Maliban dito, mayroon nang P40 milyong halaga ang naibigay ng Pangulo para sa pagtatayo ng clinic o ospital sa Batanes.
Nakatakda namang magtungo sa Batanes ang mga kinatawan ng DoTr para tumalima sa utos ng Pangulo na habaan ang runway ng paliparan sa Basco at Itbayat sa Batanes.
Sinabi ni Panelo na nadala na sa ospital at nabigyan na ng karampatang lunas ang mga residenteng nasugatan sa pagyanig.
Tiniyak din ni Panelo na ikinakasa na ng pamahalaan ang mas mabilis na rehabilitasyon sa Batanes.
126