DUMP TRUCK SINUNOG NG 5 KATAO SA CAVITE

CAVITE – Sinunog ng limang ‘di kilalang kalalakihan ang isang sasakyan na panghakot ng mga basura sa Dasmariñas City noong Sabado ng umaga.

Ang sinunog ng limang kalalakihan ay isang 10 wheeler HOWO truck na may plakang NH B8625, na pagmamay-ari ng isang Nelson Ching ng Metro Waste Solid Waste Management Corporation.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang sunugin ng limang kalalakihan ang nasabing dump truck habang nakaparada ito sa Silang-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite.

Agad namang ini-report ang nasabing insidente sa Dasmariñas Component City Police Station at nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pamumuno ni FO3 Atendido na idineklarang fire-out ang sunog bandang alas-5:44 ng umaga.

Tinatayang P3,000,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing fire-truck.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP ang nasabing insidente. (SIGFRED ADSUARA)

53

Related posts

Leave a Comment