ENGINEER, 2 PA TIMBOG SA ALAK

CAVITE – Nabuking ang kahon-kahon na alak na dala ng isang engineer at dalawang kasama nito sa isang checkpoint sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito.

Nakakulong na sa Carmona Custodial Center ang arestadong mga suspek na sina Erwin Ariola, 30, engineer; Jerome Jamin, 42, treasury staff ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas, City, at Nilo Taro, 42-anyos.

Ayon sa ulat ni P/Major Diana Del Rosario, hepe ng Carmona Municipal Police Station, dakong alas-12:00 nang madiskubre ng mga awtoridad sa checkpoint sa Governor’s Drive sa Brgy. Maduya ang kahong-kahong alak sa van at kose ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

269

Related posts

Leave a Comment