(NI JESSE KABEL)
MASUSING sinisiyasat ngayon ng Cebu Provincial police Office ang kaso ng pamamaril ng riding-in-tandem gunmen na ikinamatay ng apat na katao kabilang ang isang dating pulis.
Sa ulat ng Mandaue PNP, kinilala ang mga napaslang na sina Adrian Cabinelas, Joel Cabardo, dating pulis na si Herodias Herbieto, at isang wala pang pagkakakilanlan.
Pawang idineklrang dead on arrival sa pagamutan ang apat makaraang silang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo, Biyernes ng hapon.
Hinihinalang binuweltahan ng kanyang mga kalaban si Herbieto na kalalabas lamang ng piitan matapos na maglagak ng piyansa sa Mandaue City Hall of Justice.
Si Herbieto ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms sa Mandaue City Hall of Justice, habang mga kinikilang gun-for-hire umano at drug user din ang mga kasama nito, ayon sa ulat ng pulisya.
“Itong ex-police siga sa kanila, kinakatakutan dahil may mga baril. Samantala itong dalawa na nakilala, may record na gumagamit ng drugs. Miyembro din sila ng gun-for-hire dito sa Cebu. Iimbestigahan natin kung involved din ba ang ex-police sa drugs,” sabi ni SPO3 Emerito Sansan.ayon sa Mandaue PNP .
Sa pagsisiyat lulan ng motorsiklo si Herbieto at angkas ang kaniyang asawa na nakaligtas s apamamaril kung saan pauwi n asana sila sa Barangay Cabangahan .
Habang nagsilbi naming escort ng ex police ang tatlo pang biktima na magkaka-angkas sa isa pang motorsiklo.
Bukod sa asawa ni Herbieto, nangangalap pa ang pulisya ng karagdagang saksi para makilala ang gunmen at motibo sa pananambang.
141