EX-JOURNALIST NILIKIDA SA COTABATO

COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang dating journalist at kasalukuyang executive secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, matapos itong pagbabarilin habang nag-aalmusal sa isang karinderya sa Notre Dame ng nasabing siyudad.

Kinilala ng Cotabato City Police Office ang biktimang na si Aniceto “Boy” Rasalan, 58, na binaril nasa loob ng Sehua Eatery sa Notre Dame Avenue, Brgy. Rosary Heights 2, Cotabato City.

Ayon kay Rolen Balquin, pinuno ng Cotabato City Public Safety Office, ang biktima ay binaril ng riding in tandem suspects.

Noong Hulyo 25, 2015, tinambangan din ang biktima ngunit mapalad na nakaligtas. (JESSE KABEL)

230

Related posts

Leave a Comment