GINANG PATAY SA 2 SUNOG SA CAVITE

CAVITE – Wala nang buhay nang nadiskubre ang isang ginang sa nangyaring sunog sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang namatay na si ‘Nanay Bahaw’, nasa hustong edad, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Jayson C. Olivar ng Gen. Trias City Police, dakong alas-4:27 ng madaling araw nang nakatanggap ng tawag ang San Francisco COMPAC hinggil sa nagaganap na sunog sa Phase 2, Tierra Nevada Subd., Brgy. San Francisco sa Gen. Trias City.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Gen. Trias City, sa lugar kung saan dakong alas-4:45 ng madaling araw nitong Linggo nang tuluyang maapula ang apoy.

Sa isinagawang clearing operation ay nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Samantala, dakong alas-2:24 ng hapon noong Linggo nang sumiklab naman ang sunog sa bahay ni Danilo Perez y Novicio sa Mendez-Alfonso Road, Brgy. Galicia 3, Mendez, Cavite.

Agad namang nagresponde ang mga pamatay sunog at dakong alas-2:32 ng hapon nang ideklarang fire under control, at dakong alas-2:52 ng hapon nang idineklarang fire-out. Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa nasabing sunog.

Inaalam pa ang posibleng sanhi ng sunog sa dalawang nabanggit na lugar. (SIGFRED ADSUARA)

53

Related posts

Leave a Comment