GRADE 10 NAGBIGTI SA PUNO NG MANGGA

CAMARINES Sur – Tinapos ng isang lalaking grade 10 student ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa hindi nabatid na dahilan, iniulat nitong umaga ng Martes sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Darwin Presentaction, 15-anyos, estudyante ng  Mantalisay High School at residente ng Barangay Tarum, bayan ng Libmanan sa Camarines Sur.

Batay sa report ng Libmanan Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa puno ng mangga habang nakabigti at wala nag buhay.

Kuwento ng ama na si Domingo, blangko siya sa posibleng motibo sa pagpapakamatay ng anak dahil wala umano siyang matandaan na ikinuwentong problema ng biktima.

Posible umanong hindi lamang nagsasabi ang biktima hinggil sa kanyang mga problema nauwi sa depresyon.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (ANNIE PINEDA)

 

218

Related posts

Leave a Comment