GRUPO NI ‘BOSS TOYO’ NASALISIHAN SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite City Police hinggil sa insidente ng salisi sa grupo ng social media influencer na si “Boss Toyo” sa Cavite City noong Martes ng umaga.

Ang imbestigasyon ay bunsod ng FB Live ni Boss Toyo na sinabing tinangay ang ilang mga gamit ng kanilang artist, model at mga dancer sa harapan ng isang supermarket sa Barangay 55, Cavite City bandang alas-11:30 ng umaga nang nagtungo ang grupo sa lugar.

Agad namang ipinag-utos ni Police Lt. Col. Christopher Guste, hepe ng Cavity Component City Police Station, sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing post.

Sa kanyang FB Live, nanawagan si Boss Toyo na tulungan ang kanilang mga artista, model at dancer na ituro ang suspek na naglimas ng mahahalagang gamit sa loob ng kanilang tent.

Magbibigay umano ng malaking reward si Boss Toyo sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa umano’y magnanakaw.

Inilarawan ni Boss Toyo ang suspek na umano’y mataba, naka-salamin at naka-sumbrero.

Hindi naman binanggit sa report kung ano-ano ang mga ninakaw at kung magkano ang halaga. (SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment