GULONG NG PAMPASAHERONG VAN PUMUTOK, 11 SUGATAN

QUEZON – Umabot sa 11 ang sugatan kabilang ang driver, nang sumabog ang gulong ng isang passenger van at sumalpok sa concrete barriers sa Maharlika Highway, Brgy. Balubad sa bayan ng Atimonan sa lalawigan, noong Lunes ng hapon.

Ayon sa report ng Atimonan Police, galing sa Camarines Sur ang Toyota Hi-Ace commuter van at patungong direksyon ng Lucena City, nang biglang sumabog ang hulihang kaliwang gulong nito.

Nawalan ng kontrol ang driver nitong si Roel De De Leon Tablizo, residente ng Talisay, Camsur, at napunta ang van sa shoulder ng kabilang linya.

Sumalpok ito sa concrete barriers naging dahilan ng pagtilapon ng isang pasahero na kinilalang si si Lito Bejo Buendia, residente ng Boa, CamSur.

Isinugod ang 11 sugatan sa Doña Marta Hospital para sa malapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

47

Related posts

Leave a Comment