HIGH RANKING CTG REMNANT NAPATAY NG MILITAR

ISANG high-ranking Communist Terrorist Group leader ang inihabol sa Todos Los Santos ng mga tauhan ng Philippine Army, 12th Infantry (Lick-Ém) Battalion sa Sitio Hilwan, Manica, Libacao, Aklan.

Kinilala ang napaslang na remnant ng CTG na si Alvin Panoy alias “Jake/Vinmar”, 30, mula sa Lemery, Iloilo.

Si alias “Jake” ay dating Finance and Logistic Officer (FLO) ng Squad II, Igabon Platoon, Central Front Komiteng-Rehiyon Panay.

Matapos ang sagupaan ay na-recover ang bangkay ni Panoy at dinala ito sa Navejas Funeral Home sa Libacao, Aklan at saka dadalhin sa kanyang tinitirhan sa Lemery, Iloilo matapos makumpirma ng kanyang pamilya ang pagkakakilanlan nito.

Nangyari ang sagupaan bandang alas-6:28 ng gabi nitong nakalipas na linggo na tumagal ng mahigit 10 minuto nang respondehan ng mga sundalo ang sumbong ng mga lokal na residente hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan na nagsasagawa ng pangingikil sa kanilang lugar.

Bukod sa bangkay, nakuha rin sa encounter site ang isang M16 rifle, tatlong magazines, isang bandolier, isang backpack, at personal belongings.

Ayon kay MGen. Marion R. Sison, commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, ang pagkakaneyutralisa sa nasabing CTG finance and Logistic Officers ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng militar at suporta ng mamamayan sa pagtiyak sa kapayapaan at katatagan sa Western Visayas.

“The death of alias Jake has disrupted the CTG’s attempt to recover their influence in Aklan, including its financial and logistical support system in both red and white area operations,” ani MGen Sison. (JESSE KABEL RUIZ)

51

Related posts

Leave a Comment