HINDI NAGBAYAD NG UTANG, SINAKSAK

CEBU CITY – Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay nang hindi mabayaran ang utang sa huli nitong Lunes ng umaga sa Lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Randy Aguilar, nasa hustong gulang, habang nadakip naman ang suspek na si Jecery Moneno, kapwa residente ng B. Rodriguez Extension, Barangay Guadalupe, Cebu City.

Napag-alaman, nakita sa CCTV camera na sinisingil ng suspek ang biktima sa matagal na nitong utang na P1,200 ngunit tumanggi umanong magbayad ang huli.

Bunsod nito, bumunot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak sa leeg ang biktima saka tumakas.

Agad nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad at nadakip ang suspek sa kanilang bahay. (ANNIE PINEDA)

94

Related posts

Leave a Comment