HVI ARESTADO SA P187K SHABU

CAVITE – Tinatayang P200,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong indibidwal na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:15 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Silang Municipal Police Station, sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jayson”.

Nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang 27.60 gramo ang timbang at P187,680 ang halaga, at isang motorsiklo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGRED ADSUARA)

63

Related posts

Leave a Comment