IKAPITONG PRESO, NAMATAY SA SELDA SA CAVITE

CAVITE – Hindi naisalba ang buhay ng isang 43-anyos na preso makaraang mahirapang huminga, ito ang pang-7 na naitalang namatay sa loob ng Cavite Custodial Center.

Sa ulat ng Cavite City Police Station, dakong alas-12:05 ng madaling araw noong Sabado nang makaranas ng hirap sa paghinga si Alexander Taguinod, ng Gen. Luna St., Brgy. 56, Cavite City kaya isinugod sa Bautista Hospital ngunit dakong alas-6:20 ng umaga nitong Linggo ay binawian ng buhay.

Si Taguinod ay inaresto  sa Cavite City at nakulong dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

126

Related posts

Leave a Comment