ILANG BAYAN SA BATANGAS BINAHA RIN

BATANGAS – Nagmistulang ilog ang mga kalsada sa mga bayan ng Lemery at Balayan, sa lalawigan kahapon.

Ito ay matapos na rumagasa ang tubig-baha galing sa katabing matataas na mga lugar.

Sa bayan ng Lemery, mga malalaking sasakyan na lamang tulad ng mga truck at bus ang nakababagtas sa Lemery diversion road kaya stranded ang maraming mga sasakyan sa magkabilang dulo.

Dala-dala ng tubig-baha ang iba’t ibang mga debris lalo na ang mga balat o bunot ng niyog at mga sanga ng naputol na mga punongkahoy.

Sa Balayan, abot naman hanggang sa tuhod ang baha at pinasok na rin ng tubig ang mga kabahayan.

Kabilang sa mga nakaranas ng pagbaha ang ilang pangunahing kalsada sa Barangay Caloocan, Lanatan, Ermita, at Barangay 11.

Hindi rin nakaligtas sa baha ang katabing bayan nitong Agoncillo.

Nitong Miyerkoles ng umaga, humupa na ang baha pero panay basura naman ang iniwan nito sa mga lansangan.

Ang walang tigil na pag-ulan na naranasan sa Batangas ay dulot ng paglakas ng Habagat epekto pa rin ng bagyong Carina. (NILOU DEL CARMEN)

126

Related posts

Leave a Comment