ILOCOS NORTE ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGDEKLARA na ng State of Calamity ang probinsiya ng Ilocos Norte, dahil sa matinding pagbaha na dala ng Bagyong Ineng ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sa panayam kay OCD Region 1 Director Melchito Castro, kasalukuyan pa ring gumagawa ng assessment sa mga barangay at residente na apektado ng baha sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Castro, ang State of Calamity ay idinedeklara kung umabot na sa 20% ng populasyon ng isang lugar ang apektado at kailangan na ng assistance at kung dalawa o tatlong barangay na ang apektado nito.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Ilocos Norte habang patuloy na binabagtas ng Bagyong Ineng ang direksyon patungong Taiwan.

Inaasahan na din ang paglabas nito sa bansa ngayong Sabado.

177

Related posts

Leave a Comment