JAILGUARD NA MAHILIG SA MASAHE, NATAKASAN NG 2 PRESO

LAGUNA – Nakatakas ang dalawang preso matapos malansi ng mga ito ang jail guard na nagpapamasahe sa dalawa pang inmates sa police custodial facility sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw.

Ayon sa report ng Calauan police, nakatakbo ang mga inmate na sina Noel Ibareta at Mark Spencer Mendoza matapos buksan ng jailguard na si P/SSgt. Eric Pingol Yringan, ang gate ng selda.

Si Ibareta, 41, residente ng Sto. Tomas, Batangas, ay may kasong murder habang ang 18-anyos na si Mendoza na taga Calauan, ay may kasong rape. (NILOU DEL CARMEN)

310

Related posts

Leave a Comment