KAGAWAD NG MEDIA BABAKUNAHAN NA RIN

0

INIREKOMENDA ni Bulacan Governor Daniel Fernando kay Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis ang listahan ng lahat ng mga lehitimong Bulacan-based media practitioner bilang essential sector na nakapaloob sa A4 frontline personnel upang mabakunahan laban sa COVID-19.

Nabatid na nakipag-ugnayan ang gobernador kay Bulacan Press Club Inc. (BPCI) former president Erick Silverio, correspondent ng The Manila Times kung saan nais nito na maisama na sa priority list (A4 category) ang mga mamamahayag para bakunahan.

Ito ay matapos hilingin ng BPCI sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan sa pangunguna ni Jenny Raymundo na makasama na ang mga miyembro nito sa susunod na schedule ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon naman kay Maricel Cruz, hepe ng Provincial Public Affairs Office (PPAO), iniutos din ni Fernando na bukod sa mga kasapi ng BPCI ay isama ang iba pang mga media club sa nasabing probinsiya sa isasagawang vaccination.

Pinasalamatan naman ni Silverio ang naturang inisyatibo ni Fernando sa pagbibigay proteksyon sa mga working media kung saan Bulacan pa lamang ang kauna-unahang probinsiya sa Central Luzon na magsasagawa ng media inoculation program. (ELOISA SILVERIO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment