KAGAWAD PATAY SA RUSSIAN ROULETTE

CAVITE – Patay ang isang incumbent kagawad nang maglaro ng Russian roulette habang nakikipag-inauman sa kanyang mga kaibigan sa

bayan ng Indang sa lalawigan noong Huwebes ng gabi.
Isinugod sa Poblete Hospital ang biktimang isang barangay kagawad ng Brgy. Circa, dahil sa tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa kanyang lalamunan.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Michael Crisostomo ng Indang Police Station, bandang alas-7:35 ng gabi nang mangyari ang insidente. Nakikipag-inuman umano ang biktima sa ilang kaibigan para sa selebrasyon ng kapistahan sa Brgy. Tambo Kulit, Indang, Cavite.

Habang nagkakasayahan, kinuha umano ng biktima ang kanyang baril sa sling bag, tinanggal ang magazine, iniumang sa loob ng kanyang bibig at kinalabit ngunit hindi pumutok.

Muli niyang ipinasok sa kanyang bibig ang baril at kinalabit ang gatilyo ngunit sa pagkakataong ito ay pumutok ang baril sa kanyang lalamunan.

Isinugod sa ospital ang kagawad ngunit idineklarang dead on arrival. (SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment