KALIWA DAM PROJECT BANTAY-SARADO NG AFP

kaliwa dam12

(NI AMIHAN SABILLO)

MAGSASANAY ang nasa 120 bagong Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) bilang karagdagang pwersa sa regular forces na nagbabantay sa Kaliwa Dam Project sa Tanay Rizal.

Ito ang inihayag ni Lt/Gen. Gilbert Gapay, Commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa isinagawang Joint AFP-PNP Security Command Conference sa Camp Crame.

Layon nito ay upang matiyak na hindi masasabotahe ang pagtatayo ng nasabing proyekto na bahagi ng build, build, build program ng pamahalaan, na mariing tinututulan ng oposisyon at mga kritiko ng administrasyon, partikular na ng CPP-NPA, na madalas masangkot sa panununog ng mga construction equipment at pagpatay sa mga manggagawa

Inihayag pa ni Gapay, na maayos naman ang nasabing pagsasanay sa mga residente malapit sa itatayong dam gayundin sa mga dating rebelde na nagbalik loob na sa pamahalaan na nais pa ring maglingkod sa lehitimong lipunan

Kasabay ng paglilinaw na ang mga tatanggapin nilang mga dating rebelde ay kinakailangang dumaan sa masusing pagsasala depende sa kung papasa ang mga ito sa mga panuntunang itinakda ng AFP.

118

Related posts

Leave a Comment