(NI AMIHAN SABILLO)
(UPDATED)
GRUPO ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang tinitingnang nasa likod ng pagpapasabog sa military camp sa Indanan, Sulu, Biyernes ng umaga.
Nilinaw ni WesMinCom spokesperson Maj. Arvin Encinas na tatlo lamang ang nasawi at siyam ang sugatan sa pagpapasabog matapos hagisan ng granada sa kampo militar sa Brgy. Tanjug, Indanan Sulu.
Sinabi ni Encinas na hinagisan ng rifle granade ang kampo dakong alas-11:15 ng umaga.
Nakiusap naman ang AFP na hindi muna ibigay ang pagkakilanlan mga sundalong nasawi at sugatan hanggat hindi nabibigyang abiso ang kani-kanilang mga kaanak.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa pagsabog kasabay ng pagtugis sa mga salarin.
119