KATAGAY TINAGPAS DAHIL SA COVID-19

CAPIZ – Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng isang lalaki makaraang pagtulungang tagain ng dalawang kainuman dahil sa pagtatalo hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jomin Nicolas, 36-anyos, habang tinutugis naman ang mga suspek na kinilalang sina Eric Valaqiuo at Felimino Villeza, pawang mga residente ng Brgy. San Juan, Jamindan, Capiz.

Batay sa report ng Jamindan Municipal Police Station, dakong alas 6:30 ng gabi nang mangyari ang insidente ‘di kalayuan sa bahay ng biktima at mga suspek.

Napag-alaman, pauwi na ang biktima at mga suspek mula sa pag-iinuman nang mapag-usapan ng mga ito ang hinggil sa pandemic na humantong sa kanilang pagtatalo.

Napikon umano ang mga suspek sa biktima kaya pinagtulungan nilang pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pagkaraan ay mabilis na tumakas. (ANNIE PINEDA)

77

Related posts

Leave a Comment