(NI NICK ECHEVARRIA)
INARESTO ng pinagsanib na mga elemento ng PNP Region 9, sa pangunguna ng CIDG, ang Provincial Director ng Technical Skills Education Authority (TESDA) sa Basilan, Martes ng umaga.
Sa report ni P/Col. Tom Tuzon, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Force Unit 9, nakilala ang naarestong suspek na si Muida Hataman, ng Barangay San Rafael, Isabela City ng nasabing lalawigan.
Si Hataman ay nadakip alas-5:45 ng umaga sa kanilang barangay sa bisa ng isang search warrant kaugnay sa inilunsad na “Oplan Paglalansag Omega” ng PNP mula alas-4:10 ng madaling araw hanggang alas-5:45 ng umaga sa naturang lalawigan matapos mahulihan ng mga malalakas na uri ng pampasabog.
Nakuha kay Hataman ang isang piraso ng 40mm at projectile 766mm, blasting cap, 2 laptop, 4 na cellular phones at mga sangkap sa pampasabog.
Sa kabila ng mga natanggap na intelligence report ng CIDG na konektado sa isang sub-leader ng ASG o Abu Sayaf Group ang nadakip na si Hataman, patuloy pa rin nilang isasailalim sa masusing verification at imbestigasyon ang suspek.
370