LA UNION NIYANIG NG MAGNITUDE 5.1 NA LINDOL

NABULABOG ng magnitude 5.1 na lindol ang La Union na nakaapekto sa ilang lugar sa Luzon, kasama na ang Metro Manila.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong ala-1:17 ng hapon nang maitala ang lindol na ang sentro ay natunton sa layong 17-kilometro ng San Fernando, La Union.

Naramdaman ang Intensity IV sa Labrador, Pangasinan; Intensity III sa Quezon City at Intensity II sa Navotas City; San Jose del Monte, Bulacan.

Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Dagupan City; Intensity II sa Vigan City; Baguio City; San Jose, Nueva Ecija; Intensity I sa Cabanatuan City; Guagua, Pampanga; Pasuquin, Ilocos Norte; Palayan City; San Ildefonso, Bulacan; Baler, Aurora.

May lalim na 81 ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Hindi inaasahang makapagdudulot ng pinsala ang lindol ngunit asahan pa rin ang aftershocks. JEFF TUMBADO

67

Related posts

Leave a Comment