LABOR FORECASTING SUPORTADO NI NOGRALES

(JOEL O. AMONGO)

SUPORTADO ni House of Representatives labor and employment committee chair at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panawagan ng gobyerno para pagbutihin ang pagtaya sa paggawa (labor forecasting) sa pamamagitan ng isang Labor Market Information System (LMIS)

“An LMIS would help us address gaps and challenges such as skills mismatch, shortages, labor force needs, among others and would be useful for our learning institutions as they craft their training curriculums,” ani Nograles.

Inayunan din ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at pahayag ni Nograles at sinabing luma at hindi kumpletong impormasyon sa merkado ang paggawa na maaaring maging sanhi ng hindi pagkakatugma ng mga kasanayan na nagpapahina sa pagiging produktibo at pagiging mapagkumpitensya sa ekonomiya.

“A comprehensive labor market data system should provide a framework for anticipatory skills mapping, connecting current educational outputs to future labor needs and ensuring that national skill sets evolve with the economy,” ayon kay PIDS Senior Research Fellow Connie Bayudan-Dacuycuy, sa pagbanggit niya sa kanyang pag-aaral, na nakasaad sa Philippine Labor Market Information System and TESDA’s Skills Anticipation and Prioritization of Skills Requirements Framework.

Idinagdag ng PIDS na ang LMIS ay magsisilbi bilang isang “central database” na mangongolekta, magsusuri, at magpapalaganap ng datos sa mga uso sa merkado ng paggawa, pangangailangan ng mga kasanayan, at mga pangangailangan ng manggagawa.

Sinabi pa ni Nograles na ang pagkakaroon ng LMIS ay makatitiyak na ang manggagawang Pilipino na hindi maiiwan sa gitna ng mabilis na umuusbong na mga pangangailangan sa industriya.

“A key aspect in every effective strategy is having accurate and comprehensive data to guide our decisions. With such an information system, we can take steps towards guaranteeing that our workforce is equipped with the proper knowledge and skills to fulfill the needs of the economy,” banggit pa ng mambabatas.

“Malaki ang maitutulong ng mas magandang labor forecasting para matiyak natin na hindi nganga lalo na ang mga new hires pagpasok sa trabaho, dahil hindi nila natutunan sa learning and training institution gaya ng kolehiyo o sa TESDA ang requirement sa trabaho,” dagdag pa ni Nograles.

83

Related posts

Leave a Comment