LABORER PATAY SA PAMAMARIL SA CANDELARIA, QUEZON

QUEZON – Patay ang isang 30-anyos na laborer sa pamamaril ng dalawang hindi nakilalang mga suspek sa Brgy. Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Daniel Castillo Aguilar, tubong GMA, Cavite at residente ng lugar.

Ayon sa report, nakatayo sa harap ng sari-sari store ang biktima sa San Juan-Candelaria road at bumibili ng soft drinks nang biglang dumating ang dalawang lalaki at siya ay pinagbabaril dakong alas-7:45 ng gabi.

Tinamaan ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Candelaria bypass road.

Natagpuan sa crime scene ang limang basyo at dalawang slug ng .45 kalibreng baril na ginamit sa krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

72

Related posts

Leave a Comment