CAVITE – Tinatayang 27 piraso ng mga short na mahigit P13,000 ang halaga, ang binitbit palabas mula sa department store ng isang lalaki sa Trece Martires City, noong Lunes ng gabi.
Hawak na ng pulisya ang suspek na si Zion Villanueva y Coran, nasa hustong edad, binata, ng Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan, dahil sa reklamo ni Maria Sheila Ramos, manager ng Suyen Corporation, ang gumagawa ng Bench products.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bryan Jay Comia ng Gen. Trias City Police, dakong alas-4:45 ng hapon nang pumasok ang suspek sa isang department store sa Trece Martires City at nagpanggap na customer.
Makaraan ang ilang sandal, hinakot nito ang tinatayang 27 piraso ng Bench shorts na nagkakahalaga ng P13,493 saka isinilid sa kanyang maroon na bag saka lumabas.
Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay minamanmanan siya ng naka-duty na guwardiya na si Jacob Rodriguez na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (SIGFRED ADSUARA)
