CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang ka-barangay habang nakaupo sa gilid ng kalsada sa tabi ng barangay hall sa Tagaytay City noong Huwebes ng gabi.
Isinugod sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si alyas “Lerio,” 40, ng Brgy. Tubig, Tagaytay City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas.
Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si alyas “Kenneth”, residente rin sa nasabing lugar, bandang alas-11:00 nitong Biyernes ng umaga, ayon sa ulat ni Police Lt. Col Charles Daven Capagcuan, hepe ng Tagayaty Component City Police Station.
Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi noong Huwebes nang mangyari ang insidente sa Brgy. Bagong Tubig, Tagaytay City.
Nakaupo umano ang biktima sa gilid ng kalsada sa tabi ng barangay hall nang dumating ang suspek na armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril si Lerio.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid ang motibo sa krimen. (SIGFRED ADSUARA)
57