LALAKI TIMBOG SA P23K SHABU

RIZAL – Mahigit P29,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Binangonan PNP ang suspek na si Geraldo De Jesus y Gabor alyas “Buwaya”, sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal.

Nakumpiska sa suspek ang isang black coin purse na naglalaman ng 4 heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at P200 cash na ginamit bilang buy-bust money.

Nasa kustodiya na ng Binangonan PNP ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

24

Related posts

Leave a Comment