NABAWASAN ang lawak ng oil sheen sa Manila Bay, o ang bakas ng langis na tumagas mula sa lumubog na motor tanker na MT Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan, base sa drone aerial monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang operasyon para sa paghahanda sa siphoning ng langis sa loob ng barko.
Sinabi ni CG Lt. Cmdr. Michael John Encina, nagawa na rin ang metal caps at aalamin nila kung sinimulan na ang paglalagay nito sa mga valve ng MT Terra Nova.
Dagdag pa ni Encina, magsasagawa rin ng simulation para makita kung paano gagawin ang pagkuha sa imbak na langis mula sa barko
Kahapon, nagsagawa ng pagpupulong sa Bataan kaugnay sa operasyon kasama sina DND Sec. Gibo Teodoro, DOTR Sec. Jaime Bautista at DENR Sec Maria Antonia Yulo-Loyzaga. (JOCELYN DOMENDEN)
106