LTO EMPLOYEE TIMBOG SA ‘LICENSE FOR SALE’

LUCENA CITY – Arestado sa entrapment operation ng mga pulis ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos ireklamo ng dalawang biktima na hiningian nito ng pera kapalit ng pekeng lisensya.

Natimbog ng mga tauhan ng Candelaria Police ang suspek na si Jose Manalo Campos Jr., 67-anyos, residente ng Brgy. Isabang, Tayabas, at liaison officer ng LTO-Lucena City District Office, sa entrapment operation sa Barangay Bukal Sur, sa naturang bayan noong Miyerkoles ng gabi.

Si Campos ay inireklamo ng mga biktimang sina Rannie Samonte Penuela at Noel Arellano Resurreccion, parehong residente ng Candelaria, matapos hingian umano ang mga ito ng tig-P5,000 para sa kanilang professional driver’s license.

Ngunit napag-alaman na peke ang lisensyang ibinigay ng suspek.

Agad nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos tanggapin ang boodle money.

Nakakulong na ang suspek sa Candelaria Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong falsification of public document. (NILOU DEL CARMEN)

76

Related posts

Leave a Comment