LUCENA CITY NAGTALA NG 10 NEW COVID CASES

LUCENA CITY – Makaraang mag-zero active case ng ilang araw, balik COVID-list ang lungsod na ito matapos makapagtala ng 10 sunod-sunod na panibagong positibong kaso ng nasabing sakit.

Batay sa report ng City Health office (CHO) at ng Lucena IATF nitong Mayo 28, sampu ang bagong kasong nadagdag mula noong May 21 at umabot na ang bilang ng kabuuang kaso sa lungsod sa 39.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga bagong kaso ay naitala sa mga barangay ng Ibabang Iyam na may 3; Domoit, 2, at tig-iisa sa mga barangay ng Gulang-Gulang, Ibabang Dupay, Isabang, Mayao Crossing at Barangay 1.

Ilan umano sa mga ito ay frontliners at empleyado ng lokal na pamahalaan.

Mayroon ding 121 na mga suspected case at pitong probable case ang lungsod.

Noong May 20 lamang, inihayag ng Lucena LGU na nakarekober at na-clear na ang lahat ng unang nagpositibo sa nakahahawang sakit sa lungsod na umabot sa 29.

Wala ring naitalang kaso ng pagkamatay ang Lucena sa lahat ng naging pasyente. (NILOU DEL CARMEN)

75

Related posts

Leave a Comment