MAG-AMA PATAY SA SALPOK NG KOTSE

SOUTH Cotabato – Kapwa nalagutan ng hininga ang isng mag-ama makaraang salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang kotse sa Crossing Palkan sa bayan ng Polomolok sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang sila Nestor Masaglang, 48, at Carlo, 24, kapwa residente ng Camali-an, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Habang ang suspek na driver ng kotse ay si Jan Paul Bayron, residente ng General Santos City.

Ayon kay P/Lt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok PNP, magka angkas ang mag-ama sa motorsiklo at tinatahak ang national highway sa bayan ng Polomok nang bigla silang araruhin kotse ni Bayron pagsapit sa crossing.

Tumilapon ng ilang metro ang mag-ama at dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay nagliyab ang kanilang motorsiklo.

Nasa kustodiya na ng PNP ang nasabing driver matapos dalhin sa ospital ang kanyang misis na nasugatan din sa insidente. (JESSE KABEL)

 

95

Related posts

Leave a Comment