MAG-UTOL NAGTAGAAN SA CELLPHONE

TACLOBAN City – Kapwa kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng magkapatid na lalaki makaraang magtagaan dahil sa pinag-aagawang cellphone, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang magkapatid na sina Israel Beltran, 38-anyos, at Elmer Beltran, 34 anyos, kapwa residente ng Brgy. San Pedro, Alangalang, Leyte.

Batay sa report ng Alang-alang Police Station, bago ang insidente, isinanla umano ng panganay sa nakababatang kapatid ang cellphone ngunit hindi naman ibinigay ang perang pinagsanlaan.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa parehong kumuha ng itak ang magkapatid at nagtagaan sila.

Naawat naman ng kanilang mga kaanak ang magkapatid at dinala sila sa ospital para lapatan ng lunas. (ANNIE PINEDA)

 

120

Related posts

Leave a Comment