MAGKAPATID NA RIDER PATAY NANG MA-SANDWICH NG SASAKYAN

0

PATAY ang magkapatid na magkaangkas sa motorsiklo matapos na ang kanilang sinasakyan ay maipit sa pagitan ng truck at shuttle bus sa Sta. Rosa, Laguna, Huwebes ng umaga.

Kapwa dead on the spot sina Israel Blanquisco Hadi, 26, na siyang nagmamaneho ng motor at ang backrider nito na si Christian Blanquisco Hadi.

Batay sa report ng Sta Rosa Police, bandang alas-7:30 ng umaga, magkakasunod na tumatakbo ang tatlong sasakyan sa Tagaytay-Sta Rosa road kung saan nauuna ang Elf truck kasunod ang motorsiklo at nasa hulihan ang shuttle bus.

Huminto umano ang truck dahil sa papasok na sasakyan sa highway mula sa isang gasolinahan kaya nagmenor din ang motorsiklo.

Subalit sinagasa ito ng paparating na bus kaya naitulak ito patungo sa hulihan ng truck.

Nagtamo ang magkapatid ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at agad namatay. Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng shuttle bus na si Mauricio Nangga na nahaharap sa kasong reckless imprudence resuting to multiple homicide. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment