MAGSASAKA ITINUMBA SA TABI NG ANAK

CAVITE – Patay ang isang 58-anyos na magsasaka nang pagbabarilin ng isang lalaking sakay ng isang sasakyang sedan, habang kumakain sa isang canteen kasama ang kanyang anak sa tabi ng isang sabungan sa Tagaytay City noong Sabado ng umaga.

Isinugod ang biktima na si alyas “Robert” ng Brgy, Matabungkay, Lian, Batangas, sa Mendez Specialist Hospital sa Brgy. Galicia 3, Mendez, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa tama ng ‘di nabatid na kalibre ng baril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang sky blue sedan.

Ayon sa ulat, kumakain ng agahan ang biktima at kanyang anak na lalaki sa isang canteen sa tabi ng Tagaytay Cockpit Arena sa Brgy. Patutong Malaki, North Tagaytay City, Cavite bandang alas-8:30 umaga.

Nang bigla umanong dumating ang suspek na bumaba mula sa kanyang sasakyan at pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na sumakay ang suspek sa kanyang sasakyan at tumakas patungo sa direksyon ng South bypass road sa Brgy. Patutong.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment