CAVITE – Tinatayang mahigit sa P2 milyong halaga ng umano’y ecstasy at shabu ang nasamsam matapos naaresto ang tatlong hinihinalang tulak kabilang ang dalawang babae, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng umaga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5. in relation to Sec. 26 para b, Art. II ng RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina Lenard Cañete y Cuenca alyas “Marlon”, 27, tricycle driver; Abegail Arandia y Gomez alyas “Bai”, 21, dalaga, at Claire Ann Adolfo y Rosel, 21, pawang residente ng Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas, Cavite, habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan na si Jomel Martinez y Adarayan, pawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs).
Ayon sa ulat, bandang alas-10:50 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4A RSET1, PNP Regional Drug Enforcement Unit at City Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas Component City Police Office sa Molino-Paliparan Road sa Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas na nagresulta sa pagkakaaaresto sa tatlong suspek.
Nakumpiska sa kanila ang isang pirasong plastic bag na naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P680,000; walong pirasong plastic bag na naglalaman ng 800 piraso ng blue tablets na hinihinalang ecstasy, na may market value na P1,360,000, o kabuuang halagang P2,040,000; cellular phone, dalawang pirasong ID, motorsiklong Yamaha Fazzio at buy-bust money na ginamit ng mga awtoridad sa operasyon. (SIGFRED ADSUARA)
28