MAHIGIT 3K KATAO INILIKAS SA EASTERN VISAYAS, BICOL SA BAGYONG TISOY

BAGYONG USMAN-2

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAHIGIT na sa 3,000 katao ang inilikas sa ipinatupad na preemtive evacuation sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa pinangangambahang matinding epekto ng bagyong Tisoy, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Lunes

Ayon sa NDRRMC umaabot na sa 890 pamilya na katumbas ng 3,008 indibidwal mula sa 11 barangay sa Bicol region at Eastern Visayas ang inilikas.

Istranded naman ang 4,603 na mga pasahero mula sa Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Southern at Northern Quezon, Iloilo, Capiz, Antique,Aklan, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Masbate, Northern at Western, Southern at Eastern Leyte

Hindi naman pinayagang makapaglayag ang 1,025 mga rolling cargoes, 73 merchant vessels, 41 bangkang de-motor dahil sa masamang panahon sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Mark Timbal, tapagapagsalita ng NDRRMC, isinailalim na rin sa blue alert ang kanilang tanggapan habang nauna nang inabisuhan ang mga local government units (LGU), partikular ang mga prone sa landslide, baha at storm surge sa Eastern Seaboards ng bansa sa posibleng epekto ni Tisoy.

Idinagdag pa ni Timbal na naka-preposition na ang kanilang mga response unit sa pamamamgitan ng mga LGUs gayundin ang mga relief items na inilagay na sa mga warehouse sa nasabing mga rehiyon base sa pagtitiyak ng DSWD.

Samantala, pinakilos na rin ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang kanilang battle staff sa national headquarters para mangasiwa sa maayos na  disaster response preparations ng mga concerned units ng PNP sa inaasahang pag landfall ng bagyo.

Ayon kay PNP spokesperson P/BGen. Bernard Banac, naka-preposition na rin ngayon  sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ni Tisoy ang kanilang mga response units para tumulong sa preemptive evacuations.

 

137

Related posts

Leave a Comment