MANAGER NG SECURITY AGENCY, ITINUMBA

0

NORTH COTABATO – Isa na namang kawani ng Brigada Group of Companies ang pinaslang sa Purok 5, Intake, Barangay Mabuhay, General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Demar Santos, 37, manager ng Global Dynamic Security Agency sa ilalim ng Brigada Group, at residente ng Purok Kaunlaran, Barangay San Isidro ng lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakasakay sa isang Strada pick-up ang biktima habang binabaybay ang nasabing lugar nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matatandaang pinagbabaril din at napatay ang chief of staff ng Brigada Group na si Yentez Quintoy noong Hunyo 4, 2021 at nahuli ang suspek na si Ralph Sorabia, 27, residente ng Waling-Waling St., Sagun Vincenzo, Zamboanga del Norte matapos na ituro ng isang testigo makaraang maglabas ng P1 milyong reward ang kumpanya sa makapagtuturo sa responsable sa krimen. (BONG PAULO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment