MANDAUE CITY MAYOR SUSPENDIDO SA ILLEGAL APPOINTMENT

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang suspensyon kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes dahil sa ilegal na pag-appoint ng isang indibidwal sa isang posisyon.

Sa isang dokumento mula sa Ombudsman, napatunayang nagkasala si Cortes ng Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service. Dahil dito, suspendido si Cortes sa serbisyo ng isang taon nang walang sahod.

Nilagdaan ni Napoleon Regan Malimas, graft investigation and prosecution officer ng Ombudsman, ang nasabing kautusan.

Ito ay nag-ugat sa reklamo ng isang pribadong indibidwal kaugnay ng pagtatalaga ni Mayor Cortes kay Camilo Basaca sa City Social Welfare and Development Office noong 2022.

Ayon sa mga nagreklamo, nag-appoint ang mayor ng isang tao na hindi kwalipikado para sa posisyon.

Si Basaca ay hindi isang social worker ngunit nagtapos ng kursong psychology. Ibinigay sa kanya ang posisyon nang magretiro ang dating head ng departamento.

Sa kasalukuyan, si Mayor Cortes ay nasa bakasyon kaya si city administrator, si Atty. Jamaal James Calipayan, ang nagsalita para sa kanya ukol sa kautusan.

Ipinaliwanag niya na ang pagtatalaga ay ginawa nang may mabuting intensyon.

Ayon dito, naniniwala siya na makatutulong si Basaca sa tanggapan.

Kasalukuyang naghahanap sila ng legal remedy tulad ng pag-file ng motion for reconsideration na may petisyon para sa certiorari sa Court of Appeals.

Nilinaw ni Calipayan na walang nakasaad na petsa ng bisa sa kautusan at hindi pa ito personal na natatanggap ng mayor. (NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment