MARIAN EXHIBIT SA BULACAN

BINIBIGYANG pagkakataon ang mga deboto na makita ang iba’t ibang Marian life-size na imahe ni Mama Mary sa SM Center Pulilan sa pagdiriwang ng Nativity of the the Blessed Virgin Mary na tatagal mula Setyembre 1 hanggang 8. (LARAWAN NI ELOISA SILVERIO)

TAMPOK ang mga higanteng imahe ni Mama Mary sa Marian exhibit sa Bulacan para sa nalalapit na Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ang “Hermandad de la Ascension del Señor ng Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo” na masisilayan sa SM Center Pulilan sa Bulacan.

Patuloy ang pagdagsa ng mga deboto na pagpapakita ng pananampalataya at debosyon sa nasabing Marian Exhibit ngayong taon.

Matatagpuan sa SM Center Pulilan Mall Atrium, ang Marian Exhibit ay nagpapakita ng kasiningan at simbolismo sa pamamagitan ng espirituwal na paggising kung saan hindi bababa sa 57 mga imaheng Marian na nagmula sa iba’t ibang bayan sa Bulacan ang itinampok dito.

Iniimbitahan ng Marian Exhibit ang mga mallgoer sa isang espirituwal na paglalakbay, na sumasalamin sa malalim at matibay na debosyon ng mga Pilipino kay Maria at ang kanyang mahalagang papel sa pananampalatayang Katoliko.

Ang Marian Exhibit ay tatagal mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 8 ngayong taon.

36

Related posts

Leave a Comment