(NI AMIHAN SABILLO)
WALA pang rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na isailalim ang lalawigan ng Negros sa Martial Law.
Ito ang nilinaw ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo sa pagsasabing may sapat na pwersa ang AFP sa lalawigan at walang dahilan para dagdagan pa ito.
“There was no proposal from the AFP to declare ML (martial law) in Negros. We have sufficient forces on the ground no need to add more. But we can consult with the local chief executives and look at the situation on the ground and assess if there’s a basis to it,” pahayag ni Arevalo.
Sinabi pa ni Arevalo na maaari naman nilang konsultahin ang mga local chief executives at i-assess ang sitwasyon sa lugar kung may pangangailangan para dito.
Gayunman, tanging ang Pangulo lamang umano ang makapagdedeklara ng batas militar, at magbibigay lang ng rekomendasyon ang AFP kung hilingin ito ng Pangulo.
Idinagdag pa ng tagpagsalita ng AFP na “I was asked by media if we are going to declare ML. I replied, the President declares, we only recommend. And if at all that our recommendation is sought, that’s what I was saying that we can consult.”
Matatandaan na nauna ng itinanggi ng PNP na inirekomenda nila sa Pangulo na isailalim ang Negros Oriental sa batas militar sa gitna ng serye ng patayan sa lalawigan kung saan hindi baba sa 20 na ang napatay, kabilang ang apat na pulis na in-execute ng NPA.
139