MEGA QUARANTINE FACILITY SA CALABARZON, BINUKSAN NA

BINUKSAN na nitong nakaraang linggo ang mega quarantine facility ng Calabarzon sa Alonte Sports Arena, Biñan City, Laguna sa pangunguna ni Deputy Chief Implementer against COVID-19 Vince Dizon.

Sa nasabing pasilidad dadalhin ang mga may mild na sintomas at mga asymptomatic na pasyente. Ayon kay Dizon, maituturing itong pinakamagandang quarantine facility sa bansa. Mayroon itong 68 cubicles na may middle section para makagalaw nang maayos ang mga health worker.

Samantala, 18 bayan sa Laguna ang wala nang naitalang kaso ng COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Gov. Ramil Hernandez, ang mga bayan ng Alaminos, Bay, Calauan, Famy, Kalayaan, Liliw, Lumban, Mabitac, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Paete, Pagsanjan, Pangil, Pila, Rizal, Sta. Cruz, Sta. Maria, Siniloan at San Pablo City ay maituturing na COVID-Free na.

Labis naman ang pasasalamat ng gobernador sa mga frontliner at health workers sa mga bayan ng Luisiana, Pangil at Siniloan na hindi nakapagtala ng kaso ng COVID-19 matapos isailalim sa enhanced community quarantine ang buong lalawigan. CYRILL QUILO

59

Related posts

Leave a Comment