MEKANIKO BUMULAGTA SA SUNTOK

CAVITE – Nawalan ng ulirat at nalagutan ng hininga ang isang 50-anyos na mekaniko makaraang suntukin sa mukha ng nakaalitang tricycle driver sa Imus City sa lalawigang ito.

Dead on arrival sa South East Asian Medical Center ang biktimang si Jose Jerito Eva, biyudo, ng Block 23, Lot 36m Parang St., Brgy. Magdalo, Imus City, habang arestado naman ang suspek na si Mark David Domanog, 26, binata, ng B-26, L-30, Benitez St., Los Pinos Subd., Bahayang Pag-Asa, Pasong Buaya 2 Imus City.

Sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, dakong ala-1:20 ng madaling araw noong Martes nang magtalo ang dalawa hanggang sa suntukin ng suspek ang biktima na ikinabagsak ng huli.

Isinugod sa ospital ang walang malay na biktima ngunit hindi umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

86

Related posts

Leave a Comment