MONTALBAN MAY LIBRENG SAKAY SA STRANDED NA MGA OBRERO

NAGBIGAY ng libreng sakay ang Montalban, Rizal local government unit para maibsan ang kalbaryo ng mga manggagawa na ilang oras nakababad sa init ng araw para lang makasakay.

Ayon kay Montalban Mayor Tom Hernandez, apat na ruta ang libreng sakay: San Isidro to Litex, San Rafael to Litex Jollibee, Burgos to Litex Market, at Montalban to Marikina, na may takdang mga lugar para sa babaan ng mga mananakay na taga-Montalban.

“Dahil limitado po ang pampublikong transportasyon sa ilalim ng GCQ at marami na ang nagbabalik trabaho, prayoridad po natin na matulungan at mapagaan ang kanilang biyahe pagpasok lalo na ang ating mga essential frontliners, healthworkers,” ayon kay Mayor Hernandez.

Ang libreng sakay ay mula Lunes hanggang Sabado, alas-5:30 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng alkalde ang mga mananakay na sumunod sa mga itinakdang health protocol katulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at mainam na magdala ng sariling disinfectant tulad ng alcohol para sa proteksyon, lagi rin ihanda ang ID o travel pass para sa mga dadaanang checkpoint. KNOTS ALFORTE

83

Related posts

Leave a Comment