Namaril ng kalaban sa basketball MAGKAPATID NA AMORES SUMURENDER SA PULIS

LAGUNA – Sumuko sa pulisya nitong Huwebes ng madaling araw ang PBA player na si John Amores at kapatid nito matapos paputukan ang kanilang nakaaway sa larong basketball sa bayan ng Lumban sa lalawigan dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles.

Boluntaryong sumuko ang magkapatid sa himpilan ng pulisya sa Lumban dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong Huwebes.

Tumanggi muna ang mga itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.

Ayon sa report ng Lumban Police, dakong alas-6:00 ng gabi, naglalaro ng basketball si Amores sa isang court sa Barangay Salac, nang makasagutan nito ang isa sa kanilang kalaban na isang 32-anyos na seaman na si Lee Cacalda dahil sa isang hindi nila nagustuhang tawag ng referee.

Nagkahamunang magsuntukan ang dalawa pero hindi sa basketball court kundi sa katabing Brgy. Maytalang Uno.

Unang umalis ang magkapatid na Amores sakay ng motorsiklo at binantayan ang pagsunod ni Cacalda.

Pagdating ni Cacalda na sakay rin sa motorsiklo, pinaputukan ito ni Amores at saka tumakbo papalayo.

Hindi naman tinamaan si Cacalda sa pamamaril.

Nahaharap ang magkapatid sa kasong attempted murder at nakatakdang sampahan ng kaso sa piskalya. (NILOU DEL CARMEN)

5

Related posts

Leave a Comment