Nang-harass sa checkpoint PULIS LOCKDOWN SA SELDA

DAVAO City – Na-lockdown sa selda ang isang pulis makaraan umanong mang-harass sa checkpoint sa Kabataan Center, Brgy. Bago Gallera, sa bayan ng Talomo.

Ayon sa ulat ng Talomo Police Station, ala- 9:45 ng gabi noong Miyerkoles, habang nagbabantay sa checkpoint si Brgy. Bago Gallera Kagawad Neil De Guzman at iba pang kasamahan, biglang dumating ang isang motorsiklo na minamaneho ni Police Executive Master Sergeant Jefil Millan Ates, 47-anyos, kadestino bilang operation chief clerk sa Lampitok, Maguindanao Police Provincial Office at residente sa Block 13, Lot 13, Samantha Homes, Catalunan Pequeño sa lungsod ng Davao.

Nang sitahin ay naging arogante umano ang suspek, sinigawan at minura ang mga nagbabantay sa checkpoint.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Talomo Police Station at nang isailalim ang suspek sa Southern Philippines Medical Center ay napositibo sa liquor test. (DONDON DINOY)

60

Related posts

Leave a Comment