Naunahan ng mga sundalo 8 NPA PATAY SA ILOILO RAID

NAGAWANG pasukin ng mga tauhan ng Philippine Army ang pinagtataguan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nauwi sa bakbakan at ikinasawi ng walo sa mga rebelde kahapon ng umaga sa lalawigan ng Iloilo.

Dahil sa pagkalagas ng walong rebelde, pinaniniwalaang napigilan ng militar ang bantang pag-atake ng NPA para patampukin ang Communist Terror Group’s (CTG) founding anniversary.

Sinasabing target ng CPP-NPA ang military patrol base sa Miag-ao, Iloilo subalit may mga sibilyan na agad nagsumbong hinggil sa presensiya ng mga armadong rebelde na natukoy na kasapi ng Suyak, Sentro de Gravedad (SDG) Platoon, Southern Front (SF)-Panay.

Dito na sinalakay ng 301st Infantry (Bayanihan) Brigade ng 3rd Infantry (Spearhead) Division ang kuta ng mga rebelde.

Sa focused military operation, nadiskubre ng mga elemento ng 61st Infantry Battalion at 31st Division Recon Company na napaliligiran ng anti-personnel mines (APM) ang pinagtataguan ng mga NPA kasama ng kanilang mataas na pinuno.

Sa final assault sa enemy position ay nadiskubre ang walong bangkay (8) ng CNT at narekober din ang tatlong M16 rifle, isang AK47 rifle, apat na (4) anti-personnel mines, 3 detonator, 1 projector, subversive documents at assorted CNT personal belongings.

Pinasalamatan naman ni Brigadier General Marion R Sison, commander ng 301Bde ang mga residente ng Brgy. Almondias sa maagap na pagpapahatid ng impormasyon hinggil sa presensiya ng CPP-NPA sa lugar.

“The cooperation of every stakeholder is vital to preventing the terror plans of the CNTs. We call on CNT members to return to the government fold and stop being used as instruments of terror by their deceptive leaders. Abandon the senseless armed struggle which has victimized innocent civilians. Live a peaceful life together with your families and loved ones,” ani Sison.

“As we welcome the Yuletide Season, the importance of family is never more apparent. Umuwi na kayo sa inyong mga tahanan at mamuhay nang mapayapa kasama ang inyong mga mahal sa buhay. Huwag na kayong magpagamit sa mga mapanlinlang na mga teroristang NPA. Ang gobyerno ay narito upang matulungan kayo,” dagdag pa ni BGen Sison. (JESSE KABEL)

110

Related posts

Leave a Comment