NLEX HANDA SA DAGSA NG MOTORISTANG BALIK-MAYNILA

nlex55

(NI ELOISA SILVERIO)

INIHAYAG ng pamunuan ng NLEX Corporation na handang-handa na sila sa inaasahang pagdagsa ng daang-libong mga motorista sa NLEX-SCTEX na manggagaling sa mahabang holiday vacation pabalik ng Metro Manila ngayong weekend.

Muling ibinalik ng tollway company ang kanilang motorists assistance program, “Safe Trip Mo Sagot Ko” upang mapabuti at gawing ligtas ang biyahe ng mga motoristang mula sa pagbabakasyon nitong nakaraang holiday season.

“As the holidays come to a close and usher in the New Year, we want to assure our motorists of fast, safe, and comfortable travel through all these preparations in place at the NLEX and SCTEX,” ayon kay NLEX Corporation president and general manager J. Luigi L. Bautista.

Dahil dito, nagtalaga ng mga karagdagang collection point ang NLEX partikular na sa lalawigan ng  Bulacan at maging sa Mindanao at Balintawak toll plazas.

Inaasahang magsisimula ang build-up ng trapik bandang alas-2:00 ng hapon nitong Sabado hanggang buong araw ng Linggo (Enero 5).

NLEX management anticipates traffic volume to start building up by 2:00 p.m. on Saturday, (January 4), and as early as 12:00 noon on Sunday (January 5).

Nakaalerto rin ang mga patrol crews na siyang mangangalaga ng  traffic flow partikular sa Mabalacat at NLEX spur ramps na siyang choke points papuntang NLEX galing ng SCTEX gayundin sa Bocaue, Mindanao, at Balintawak exits.

Karagdagang 60 collection point ang ilalagay sa  Bocaue Toll Plaza upang mapabilis ang customer toll transactions.

Pinaalalahanan din NLEX Corporation ang mga gumagamit ng  Easytrip RFID sticker and Easytrip tag/transponder na siguruhing mayroong sapat na pondo ang kanilang mga accounts upang maiwasan ang pagkaabala.

Ayon kay Bautista, bagamat ang kanilang kumpanya ay mahigpit na ipinatutupad ang mga traffic laws ay nararapat ding aniyang maging responsable sa pagmamaneho at maging maingat ang mga driver gaya ng pagpapairal ng safe driving distance at sumunod sa itinalagang  tamang bilis ng pagpapatakbo upang maiwasan ang aksidente.

204

Related posts

Leave a Comment